GMA Logo Mikoy Morales and Jaclyn Jose
Source: IMDb
What's on TV

Mikoy Morales at Jaclyn Jose, nagkaroon ng alitan noon?

By Jimboy Napoles
Published October 3, 2023 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ano ang “Birthday Cake Modus?” | GMA News Feed
Reverse text challenge: Marco Masa and Sean Lucas | Huwag Kang Titingin
Authorities underscore protection as heat from sun gets more intense

Article Inside Page


Showbiz News

Mikoy Morales and Jaclyn Jose


May naging alitan nga ba sa pagitan ng aktor na si Mikoy Morales at batikang aktres na si Jaclyn Jose?

Game na ikinuwento ng Maging Sino Ka Man actor na si Mikoy Morales sa Fast Talk with Boy Abunda ang hindi nila naging pagkakaunawaan noon ng batikan at award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Sa “Talk or Dare” segment ng nasabing programa, sinagot ni Mikoy ang tanong ng batikang TV host na si Boy Abunda tungkol sa artistang kaniyang nakaalitan noon.

“May nakaalitan ka bang aktor? Talk or Dare,” tanong ni Boy kay Mikoy.

Saglit naman na natahimik si Mikoy at sinabing, “I wouldn't consider it as alitan kasi hindi naman kami nagsagutan. Pero…Jaclyn Jose.”

Ayon sa aktor, may pagkakataon na sinadya niyang iwasan na makasalubong ang batikang aktres.

“May isang time kasama ko po siya (Mikee Quintos) maglakad parang nasa hallway kami. Sila parang, 'Tara, bati tayo,' pero ako, 'Nope,' umikot ako ng buong floor,” ani Mikoy.

Hindi naman na inilahad pa ng aktor ang buong detalye ng kanilang hindi pagkakaunawaan pero aniya, “Nangyayari siya sa trabaho pero hindi siya dahil sa trabaho.”

Paliwanag niya, “Isa ito sa mga ano e, maybe madalas mangyari but I took personally. It's something like that. Which kind a hard to the point na I would get anxious when I would think of stepping in a set with her there.”

Matatandaan na nagkasama noon sina Mikoy at Jaclyn sa 2017 Kapuso series na D' Originals.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.