GMA Logo Mikoy Morales
What's on TV

Mikoy Morales, nagpabilib sa acting sa torture scene sa 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published September 24, 2024 10:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Mikoy Morales


Marami ang bumilib sa acting performance ni Mikoy Morales sa torture scene niya sa 'Pulang Araw.'

“Deserve ang Best Actor award!”

Isa lamang ito sa mga papuring natatanggap ngayon ng Kapuso actor na si Mikoy Morales dahil sa kaniyang mahusay na pagganap bilang si Tasyo sa hit family drama ng GMA na Pulang Araw.

Sa episode 41 ng nasabing series, napanood ang makapigil-hiningang torture scene kay Mikoy bilang si Tasyo na kaibigan ni Eduardo na ginagampanan ni Alden Richards.

Ipinadakip kasi ng karakter ni Dennis Trillo na si Col. Yuta Saitoh sa kaniyang sundalong si Akio played by Jay Ortega si Eduardo dahil sa pag-aakalang itinatago nito ang kaniyang Amerikanong ama, at kasama sa dinakip ng mga Hapones si Tasyo.

Sa loob ng Fort Santiago, ikinulong at binugbog ng mga sundalong Hapones ang dalawa kasama ang iba pang mga Pilipino.

Sa naturang episode, napanood ang walang awang pagtutusok ng karayom sa mga daliri ni Tasyo upang pahirapan siya.

Ang eksenang ito, labis na ikinalungkot at ikinagalit ng mga manonood. Pero mas lumamang sa kanila ang pagkabilib sa ipinakitang acting performance ni Mikoy, dahil sa pag-arte nito na tila totoong totoo ang ginagawang pag-torture sa kaniya.

“Grabe si Mikoy feeling ko tuloy totoong tinusok siya ng karayom sa kuko…Ang galing,” komento ng isang netizen.

“Makoy is a good actor. Na-convince niya tayo na masakit talaga 'yung ginagawa sa kaniya. Nahihirapan ako panoorin itong eksena na ito. 'Yung sigaw niya kasi nakakaawa,” dagdag pa ng isang viewer.

“This is the kind of show where, even just watching, you can really feel the pain. Tasyo is amazing in this, so this episode is dedicated to him,” komento pa ng isang social media user.

“Grabe ka Tasyo/ Mikoy namin tagos sa puso at kalamnan ko ang sakit. DESERVE ang Best Actor Award,” mensahe pa ng isang fan.

Samantala, sa panayam sa kaniya ng 24 Oras, sinabi ni Mikoy na kinilabutan talaga siya nang aralin niya ang torture scene na ito na totoong pinagdaanan ng mga Pilipino noon.

“Siyempre kilabot sa akin to learn about it, [to] learn 'yung scene, 'yung hearing all these things that happened before and bring it back to life. Medyo iba 'yung dating sa akin,” ani Mikoy.

Nag-kuwento rin si Mikoy kung paano niya nagawa ang nasabing eksena. Aniya, “Malaking tulong 'yung prosthetics. May dinagdag na finger 'yun e. So when they put in the nail, hindi pumapasok sa kuko ko 'yun pero nararamdaman ko pa rin siya.”

Dagdag pa niya, “It also helps na nasa room si Alden [Richards] at saka si Sir Dennis [Trillo].

Sa mga susunod na episode ng Pulang Araw, susubukang tumakas nina Eduardo at Tasyo sa kamay ng mga Hapones. Magtagumpay kaya sila?

Sa tumitinding giyera, makikita ang magiging paghihirap ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop na Hapones at kung anong mga paraan ang gagawin nila upang makaligtas noon sa World War II.

Patuloy na subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: Mikoy Morales at Mika Salamanca talk about authenticity