GMA Logo Alden Richards
What's on TV

Alden Richards bilang si Eduardo Dela Cruz sa 'Pulang Araw:' 'We fight for the people we love'

By Jimboy Napoles
Published July 30, 2024 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Marami raw isinantabi si Alden Richards sa pagganap niya bilang si Eduardo Dela Cruz sa 'Pulang Araw.'

Aminado si Asia's Multimedia Star Alden Richards na nahirapan siya na gampanan ang kaniyang karakter sa pinag-uusapang family drama ng GMA na Pulang Araw.

Binibigyang-buhay rito ni Alden ang karakter ni Eduardo Dela Cruz na isang Filipino-American na nabuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilpinas, at pagdating ng mga mananakop na Hapones sa bansa kasabay ng World War II.

Ayon kay Alden, mabusisi ang ginawang produksyon sa serye dahil sinisigurado nila na angkop sa panahon noon ang kanilang mga gamit at maging ang kanilang mga pananalita.

Kuwento ni Alden sa 24 Oras, “Napakahirap pong gawin ng Pulang Araw. From the set, to the costumes, the lines, tsine-check namin every now and then kung period-correct ba 'yung mga ginagawa namin to the slippers, to the buttons of the shirt, ganun ka-detalyado. Kailangan consistent kasi sa tight shots makikita siya.”

Paglalahad pa ng aktor, ibang-iba ang role niya sa Pulang Araw kumpara sa kaniyang mga nakasanayang karakter.

“It's very unusual for me to say lines sa malalim na tagalog na pamamaraan. Removing the boy-next-door look na nakasanayan ko which was my safe zone and 'yun din 'yung somehow reinvention ko…it helps with the characterization din kasi para maiba,” ani Alden.

Isinantabi raw muna ni Alden ang kaniyang mga personal na karakter upang magampanan nang mahusay si Eduardo.

“When I become the character kasi all of the traits Alden has is parang na-set aside muna. It's not about me, it's about the character.”

Sa kabila ng hirap sa kaniyang karakter, may pagkakatulad din umano si Alden at ang kanyang role na si Eduardo.

Aniya, “Siguro 'yung loyalty. I think loyalty is one of our common traits and we fight for the people that we love.”

Ayon pa sa aktor, mahalaga ang Pulang Araw upang mabalikan ng henerasyon ngayon ang mga pamilyar na kuwento mula sa mga pinagdaanan ng bansa.

“The Philippines has a lot of stories to tell. Not only sa ating mga Pinoy but also to the whole world and our culture is very colorful. We are such resilient individuals,” ani Alden.

Kasama ni Alden sa Pulang Araw ang iba pang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at ang premyadong aktor na si Dennis Trillo.

Subaybayan sa free TV ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: Interesting facts about Alden Richards you probably didn't know