
Kahit nasa gitna ng pandemic, nakagawa pa rin ng pelikula ang Bubble Gang comedian na si Mikoy Morales at ito ay magkakaroon ng world premiere sa South Korea sa Hulyo.
Kasama si Mikoy sa movie na Mang Jose na produced by Antoinette Jadaone at Dan Villegas. Kung saan dinirehe ito ng filmmaker na si Rayn Brizuela.
Kabilang din sa Mang Jose film sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes at ito ay nakatakda na magkaroon ng world premiere sa Buncheon International Fantastic Film Festival.
Sa opisyal na pahayag na ipinadala ni Mikoy sa GMANetwork.com, hindi nito naitago ang labis na kasiyahan na mapasama sa ganitong project.
Ginampanan niya ang role ni Tope na isang call center agent.
Wika ni Mikoy, “So honored and grateful to be part of this team. Nakaka-proud. Kaso bitin dahil 'di kami makapunta sa Korea mismo dahil pandemic pa at may lock-in taping ng Lolong."
Inspired ang pelikula ng isa sa hit songs ng sikat na OPM band na Parokya ni Edgar na 'Mang Jose'.
Bakit ito dapat panoorin ng ating mga Kapuso?
Pagbibida ni Mikoy, “Ito na 'yung 'Mang Jose' ng Parokya ni Edgar - may sarili ng mundo. 'Di ko na sasabihing may aral na makukuha dito kasi lagi na 'yun sinasabi. Basta, panoorin n'yo.”
Related content:
Manilyn Reynes, excited nang sumabak muli trabaho