GMA Logo mikoy morales on pepito manaloto
What's on TV

Mikoy Morales, sinabing hindi lang si Tommy ang may malaking utang sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published May 15, 2020 10:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

mikoy morales on pepito manaloto


Sino ang tinutukoy ni Mikoy Morales sa kanyang Instagram post?

Maraming na-touch sa heartwarming Instagram post ng Kapuso comedian na si Mikoy Morales para sa 10th anniversary ng multi-awarded Kapuso sitcom na Pepito Manaloto.

Pepito Manaloto: 10 years after

Makikita sa post ni Mikoy na sinabi niyang hindi lamang si Tommy ang may malaking utang na loob sa show na ito.

Ginagampanan ng actor na si Ronnie Henares ang karakter ng tusong kapitbahay ni Pepito, na ginagampanan naman ng creative director nilang si Michael V.

Saad ni Mikoy, "Hindi lang si Tommy ang may utang, sa totoo lang - malaki din utang na loob ko sa show na 'to.

"Kung hindi dahil sa Pepito, malamang hindi na ako artista ngayon.

"10 years on air, 6 years with you. ❤️ #PepitoManaloto"

Hindi lang si Tommy ang may utang, sa totoo lang - malaki din utang na loob ko sa show na 'to. Kung hindi dahil sa Pepito, malamang hindi na ako artista ngayon. 10 years on air, 6 years with you. ❤️ #PepitoManaloto

A post shared by Mikoy Morales (@mikoymorales) on


Pinusuan naman ng celebrities at netizens ang post na ito ni Mikoy tulad nina Chariz Solomon at Jo Berry.

Last weekend, nag-trend sa Twitter Philippines ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, kung saan pinuri ito sa tagal nila sa telebisyon at sa magandang kuwento ng Kapuso sitcom.

Napanood ang Book 1 ng Pepito Manaloto noong March 2010 hanggang 2012.

Nagkaroon sila ng season break at noong September 16, 2012 muli itong nilunsad.

Netizens celebrate 10 years of quality comedy courtesy of 'Pepito Manaloto'