
Kinaaliwan ng marami ang pinakabagong “Monday motivation” post ng sikat na YouTuber at fashion designer na si Mimiyuuuh.
Kaagad na nag-viral ang Instagram post ni Mimiyuuuh kung saan may mensahe siya sa mga taong nalulungkot dahil back to work na after the weekend.
Hirit ng content creator, “Monday na naman po, opo nagkita na naman tayong dalawa… Oooh, bakit ka sad?
“Kasi, back to work na naman tayo. Alam mo, huwag ka na malungkot, kasi mamaya may magalit.”
Sumunod niyang sinabi, “Huwag ka na malungkot. Smile ka nga daw beh, patingin ng smile. Ohh! Ang ganda-ganda ng smile mo, e. Huwag ka na malungkot, work na lang po tayo, kasi mamaya may mag-long post.”
Sa loob lamang ng isang oras, umabot na sa 26,000 likes ang motivational post ni Mimiyuuuh. Ilang beses na ring nag-viral ang dati niyang “Monday Motivation” videos na talagang good vibes sa lahat.
Komento ng isang netizen sa post ni Mimiyuuuh, “Hahahahaha I look forward to your monday motivations talagaaa. And this is my fave!
Trending naman sa Twitter Philippines ngayong Lunes ng umaga, January 9, ang "St. Donnalyn” na tila patama sa controversial Facebook post ni Donnalyn Bartolome.
Sabi nito last January 3, “Bakit may sad dahil back to work na? 'Di ba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun.”
“Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will.”
May ginawa namang paglilinaw ni Donnalyn sa kanyang post last week.
Aniya, "This post could have been phrased better, I agree. It failed to fully phrase the message I wanted to convey. If gusto mo i-apply, up to you. Kung hindi applicable sa'yo yung post then hindi."
FUNNIEST BACK-TO-WORK POSTS AND MEMES AFTER THE HOLIDAY SEASON: