GMA Logo Mindanao movie in I Heart Movies digital channel
What's on TV

'Mindanao' starring Judy Ann Santos, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published September 30, 2024 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco seeks bids for 600-MW power supply deal
Miss Universe PH Bea Millan-Windorski joins dental mission for indigenous people
Raps filed vs minor in Tacloban school shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Mindanao movie in I Heart Movies digital channel


Kabilang ang 'Mindanao' starring Judy Ann Santos sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Isa na namang internationally-acclaimed film ang mapapanood ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Tampok kasi rito ang war drama film na Mindanao na mula sa award-winning director na si Brillante Mendoza at pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

Kuwento ito ng isang babaeng Muslim na nag-aalaga ng anak niyang may cancer habang hinihintay ang pagbabalik ng asawa niyang combat medic na lumalaban sa mga rebelde sa Mindanao.

Dahil sa kanyang pagganap sa pelikula, pinarangalan si Judy Ann Santos bilang Best Actress, habang iginawad naman kay Direk Brillante Mendoza ang Henry Barakat Award for Best Artistic Contribution sa 41st Cairo International Film Festival noong 2019.

Humakot din ito ng mga parangal sa 45th Metro Manila Film Festival kabilang ang Best Picture, Best Director, at marami pang iba.

Tunghayan ang Mindanao, October 4, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para sa mahilig sa romance films, nariyan ang I Found My Heart in Santa Fe starring Roxanne Barcelo at Will Devaughn.

Isa itong unexpected love story sa pagitan ng isang turistang gustong maging in touch sa kanyang Pinoy roots at isang heartbroken na workaholic.

Bida rin sa pelikula ang magandang isla ng Santa Fe, Cebu.

Tunghayan ang I Found My Heart in Santa Fe, October 3, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.