
Isang karakter ang nagbalik sa Thai series na Miracle of Love.
Labis na ikinagulat ni Danica (Pooklook Fonthip Watcharatrakul) ang pagbabalik ng dati niyang partner na si Louie, ang karakter ni Push Puttichai Kasetsin sa serye.
Sa loob ng halos anim na taon, buong akala ni Danica ay patay na si Louie.
Kaya naman hindi agad makapaniwala si Danica nang makaharap na niya ulit ang dati niyang kasintahan.
Sa gitna ng kanilang pag-uusap, mahigpit silang napayakap sa isa't isa.
Kasunod ng makabagbag damdaming mga eksena, nagulat si Louie nang makita niyang mayroong ibang suot na singsing si Danica.
Inamin ni Danica ang tungkol sa kanila ni Aldwin (Son Yuke Songpaisan) at labis itong ikinagalit ni Louie.
Sa previous episodes, napanood na inakala ng lahat na patay na si Louie nang mahulog ito sa bangin habang nagmamaneho ng kotse.
Makabalik pa kaya si Louie sa buhay ng kanyang pinakamamahal na si Danica?
Patuloy na subaybayan ang napakagandang istorya ng Miracle of Love, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA-7.
Related Gallery: Meet the cast of Thai romance drama series 'Miracle of Love'