GMA Logo Joyce Ching
What's Hot

Misis na naperwisyo ang buhay dahil sa tsismis, binigyan ng negosyo packages ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published May 4, 2023 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Joyce Ching


Isang bagong simula ang hatid ng 'Wish Ko Lang' kay Chit, na naperwisyo ang buhay dahil sa mga marites na kapitbahay.

Sinorpresa ng negosyo packages ng Wish Ko Lang ang misis na si Chit (Joyce Ching), na naperwisyo ang buhay dahil sa mga marites niyang kapitbahay.

Kuwento ni Chit sa Wish Ko Lang, noong kinailangang magtrabaho ng asawa niyang si Buboy (Dave Bornea) sa barko ay kung anu-anong tsismis na ang ginawa sa kanya ng mga marites na kapitbahay, kung saan ay nakakarating din sa kanyang asawa.

Tulad na lamang ng pagkakalat ng mga ito na nabuntis siya ng ibang lalaki na wala naman aniyang katotohanan.

Sa ngayon, humingi na ng tawad kay Chit ang kanyang mga kapitbahay. At para sa pandagdag kabuhayan ng pamilya ni Chit, may handog na negosyo packages ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages ang Takoyaki business, bigasan business, french fries business, Deli Spread business, summer-essentials business, at home cleaning essentials na puwedeng pang-online business.

Hindi rin mawawala ang Wish Ko Lang Savings, tulong na pinansyal ng programa para sa pamilya ni Chit.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG MASAYANG MARRIED LIFE NI JOYCE CHING SA GALLERY NA ITO: