GMA Logo Gabbi Carballo
Photo source: @gabbi_carballo
Celebrity Life

Miss Eco International PH Gabbi Carballo, dinala ang Sinulog sa Egypt

By Ron Lim
Published May 20, 2026 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Abandoned cargo containers raise health concerns in Subic
If they spoke, Taiwan president would tell Trump China was undermining stability
PSA launches digital platform for corrections in civil registry documents

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Carballo


Ayon kay Gabbi Carballo, ang kaniyang Sinulog outfit ay 'a tribute to the hardworking communities whose flowers fill our city with life and color.'

Dinala ni Miss Eco International Philippines Gabbi Carballo ang isa sa pinakamalaking fiesta ng bansa sa Egypt habang patuloy siyang nakikipaglaban para sa ika-apat na Miss Eco International crown ng bansa.

Nag-upload ng mga photo si Gabbi sa kaniyang Instagram account na ipinapakita siya na suot ang isang gown na nagre-represent sa sikat na Sinulog Festival ng Cebu. Sa caption, sinulat ni Gabbi na ang gown ay isang “tribute to the hardworking communities whose flowers fill our city with life and color.”

A post shared by Dr. Gabbi Carballo (@gabbi_carballo)

Sa post naman ng The Miss Philippines na nagpapakita kay Gabbi sa Miss Eco International Carnival Costume Competition, sinabi ng The Miss Philippines na Gabbi “brought the energy and spirit of Sinulog to the international stage—sharing a piece of Philippine culture with the world in the most dazzling way.”

A post shared by The Miss Philippines (@the_missphilippines)

Ang Carnival Costume Competition ay ang pinaka-latest na activity na naging parte si Gabbi sa Miss Eco international pageant. Kamakailan lamang ay nag-upload si Gabbi ng mga litrato niyang suot ang red gown na gawa ng designer na si Philipp Tampus. Sa caption, ibinahagi ni Gabbi na pinayuhan ang mga delegada na magsuot ng pula o silver para sa Miss Eco International sashing ceremony, at natural lamang na piliin niya “the color from our flag.”

Ilang araw pa lang ang lumipas ng dumating si Gabbi sa Alexandria, Egypt. Nag-share siya ng mga photo mula sa Helnan Antoniades Palace Hotel sa Alexandria, Egypt, kung saan ginaganap ang Miss Eco International pageant.

Umalis papuntang Egypt si Gabbi noong May 12. Ginanap ang kaniyang send-off sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Bago siya umalis, nanawagan ang The Miss Philippines organization sa mga Filipino pageant fans na bumoto para kay Gabbi.

Ayon sa organisasyon, hanggang May 23 ang online voting at makakatulong kay Gabbi makakuha ng spot sa top 10 at para maipakita sa mundo ang “strength, beauty, and heart of the Filipina.”

Kasalukuyang ginaganap ang 2026 Miss Eco International pageant sa Helnan Antoniades Palace Hotel sa Alexandria, Egypt. Sa caption ng kanilang Instagram post, sinabi ng Miss Eco International organization na ang 2026 pageant ay merong tema na “Show Your Country's Power” at ipagdiriwang ang “national pride, culture, and eco-solutions while inspiring global unity.”

Layon ni Gabbi na makakuha ng back-to-back win para sa bansa.

RELATED GALLERY: FILIPINAS WHO DOMINATED THE INTERNATIONAL PAGEANT STAGE IN 2025