
Patuloy ang focus ni Miss International Philippines Katrina Anne Johnson sa advocacy work habang papalapit na ang Miss International pageant.
Nag-upload ng mga picture si Katrina sa kaniyang Instagram account na nagpapakita sa kaniyang pakikibahagi sa Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare bilang parte ng International Youth Day. Layunin ng Walang Gutom Program na i-address ang involuntary hunger, malnutrition, at stunting ng mga Pilipino.
Sa kaniyang caption, sinulat ni Katrina na isa sa pinakamagandang bagay na maaring gawin ng mga adult para sa kabataan ay “to take them seriously” at “to make room for them today” at pakinggan sila, paniwalaan ang kanilang potential, at magbukas ng pinto para sa kanila.
Ang panahon ni Katrina kasama ang mga disadvantaged kids ang latest lamang sa advocacy work na kaniyang nagawa nitong mga nakaraang linggo habang naghahanda siya para sa Miss International pageant na gaganapin sa Japan sa November. Nitong nakaraang linggo lamang ay nag-upload ng ilang mga picture sa kaniyang Instagram si Katrina kung saan makikita siyang nasa outreach program para sa mga elderly ng Malanday, Valenzuela. Sa caption, sinabi ni Katrina na nag-distribute siya at ang kanyang mga kaibigan ng vitamins, pagkain, at ilan pang mga pangangailangan ng komunidad.
Nitong nakaraang buwan, ipinagdiwang ni Katrina Anne Johnson ang 70 years ng Japan-Philippines friendship sa pamamagitan ng pag-upload ng mga pictures kung saan napapalibutan ng bulaklak ang kaniyang mukha. Sa caption ng post, ipinagdiwang ni Katrina ang 70 years ng pagkakaibigan sa pagitan ng Philippines at Japan, at sinabing isa itong “relationship that has grown through generations of trust, shared experiences, and deep appreciation for each other's cultures.”
Ibinahagi din ni Katrina ang pangarap niya na mas lalong lumalim ang pagkakaibigan sa pagitan ng Philippines at Japan “not only as nations, but also as people”.
Kamakailan lamang ay ipinasa ni Katrina ang Binibining Pilipinas International crown kay Gwendoline Meliz Frias Soriano at nagbalik-tanaw sa kanyang panahon bilang Binibining Pilipinas International.
Related gallery: Look back on Gwendoline Soriano's Binibining Pilipinas journey
Nag-upload nang ilang photos si Katrina sa Instagram ng kaniyang final walk sa 2026 Binibining Pilipinas coronation night, kasama ang isang mahabang caption kung saan nagpasalamat siya sa kaniyang pamilya at kaniyang team na nakasama noong 2025 Binibining Pilipinas pageant at ngayong naghahanda na siya para sa 2026 Miss International pageant ngayong November.
Ibinahagi ni Katrina sa caption ang layunin niyang ipagmalaki ng kaniyang mga kababayan. Ayon sa kaniyang caption, “In a few months, I'll have the privilege of carrying 117 million Filipino smiles, stories, and dreams to Japan. I only hope I can make every single one of you proud.”
Napanalunan ni Katrina ang Binibining Pilipinas International crown nitong nakaraang taon pagkatapos sagutin ang tanong na “Lies told a thousand times become the truth. What is your reaction to this statement now that fake news pollutes and corrupts our society more than ever?"
"Well, I think social media and the internet is such a blessing to all of us because it allows us to create a community online with people from all around the world. But yes, fake news is a rampant issue nowadays. And to be honest with you, I think the best way that we can combat that is to make sure that we're educating people on how to discern information. We need to be aware, we need to regulate, and make our online communities a safe space for everyone. Thank you," sagot niya.