GMA Logo Katrina Anne Johnson
Photo source: @katrinacastanedajohnson
What's Hot

Miss International Philippines Katrina Johnson, nakibahagi sa elder outreach

By Ron Lim
Published August 7, 2026 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wondering about Alex Eala's beautiful earrings? Here's the jewelry maker behind them
F2F classes in Jagna, Bohol suspended due to shooting threat
Kim Ji Soo charms at clothing brand's store opening

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Anne Johnson


Sasabak sa Miss International sa Japan si Katrina Anne Johnson sa November.

Ilang buwan na lang bago ang Miss International, at sinisiguro ng Philippine representative na si Katrina Anne Johnson na punuin ang kanyang oras ng advocacy work at pagtulong sa kapwa bago siya bumiyahe.

Nag-upload ng ilang mga picture sa kanyang Instagram si Katrina kung saan makikita siyang nasa outreach program para sa mga elderly ng Malanday, Valenzuela. Sa caption, sinabi ni Katrina na nag-distribute siya at ang kanyang mga kaibigan ng vitamins, pagkain, at ilan pang mga pangangailangan ng komunidad.

A post shared by Katrina Anne C. Johnson (@katrinacastanedajohnson)

Isa lamang ito sa mga activities na pinagkakaabalahan ni Katrina. Nitong nakaraang buwan, nakilahok si Katrina Anne Johnson sa pagdiriwang ng ika-70 taon ng Japan-Philippines friendship bago siya magtungo sa Japan ngayong November para i-represent ang bansa sa 2026 Miss International pageant.

Nag-upload ng mga photos si Katrina sa kanyang Instagram kung saan napapaligiran ng bulaklak ang kanyang mukha. Sa caption ng post, ipinagdiwang ni Katrina ang 70 years ng pagkakaibigan sa pagitan ng Philippines and Japan, at sinabing isa itong “relationship that has grown through generations of trust, shared experiences, and deep appreciation for each other's cultures.”

Ibinahagi rin ni Katrina ang pangarap niya na mas lalong lumalim ang pagkakaibigan sa pagitan ng Philippines at Japan “not only as nations, but also as people.”

A post shared by Katrina Anne C. Johnson (@katrinacastanedajohnson)

Kamakailan lang ay ipinasa ni Katrina Anne Johnson ang kanyang korona kay Gwendoline Meliz Frias Soriano at nagbalik-tanaw sa kanyang reign bilang Binibining Pilipinas International.

RELATED GALLERY: Look back at Gwendoline Soriano's Binibining Pilipinas journey

Nag-upload ng ilang mga photos si Katrina sa Instagram ng kanyang final walk sa 2026 Binibining Pilipinas coronation night, kasama ang isang mahabang caption kung saan nagpasalamat siya sa kanyang pamilya at kanyang team na nakasama noong 2025 Binibining Pilipinas pageant at ngayong naghahanda na siya para sa 2026 Miss International pageant ngayong November.

Ibinahagi ni Katrina sa caption ang layunin niyang ipagmalaki ng kanyang mga kababayan. Ayon sa kanyang caption, “In a few months, I'll have the privilege of carrying 117 million Filipino smiles, stories, and dreams to Japan. I only hope I can make every single one of you proud.”

A post shared by Katrina Anne C. Johnson (@katrinacastanedajohnson)

Napanalunan ni Katrina ang Binibining Pilipinas International crown nitong nakaraang taon pagkatapos sagutin ang tanong na “Lies told a thousand times become the truth. What is your reaction to this statement now that fake news pollutes and corrupts our society more than ever?"

"Well, I think social media and the internet is such a blessing to all of us because it allows us to create a community online with people from all around the world. But yes, fake news is a rampant issue nowadays. And to be honest with you, I think the best way that we can combat that is to make sure that we're educating people on how to discern information. We need to be aware, we need to regulate, and make our online communities a safe space for everyone. Thank you," sagot niya.