
Representation, pride, and playful rivalry ang mapapanood sa Family Feud sa paghaharap ng Miss International Queen Philippines at Tomboy Philippines
Ngayong Biyernes, August 8, mapapanood ang dalawang trailblazing groups na magpapagalingan sa pagsagot ng top answers ng Family Feud. Maghaharap sa Family Feud stage ang winners ng Miss International Queen Philippines at first-ever titleholders ng Tomboy Philippines.
Mula sa Miss International Queen Philippines maglalaro ang gorgeous trans beauty queens na pangugunahan ni Miss International Queen Philippines 2025 Anne Patricia Diaz from Manila. Makakasama niya sa Family Feud ang Top 5 finalists na sina Kirk Popiolek mula sa Misamis Oriental at Mikay Bautista mula sa Bulacan. Maglalaro rin sa kanilang grupo ang MIPQ 2025 Top 10 finalist na si Jek dela Cerna mula sa Antipolo City.
Makakatapat nila ngayong Biyernes ang team ng Tomboy Philippines na kinabibilangan naman ng inaugural winners ng Tomboy Philippines 2024. Ang team leader ng Tomboy Philippines ay ang Grand Winner na si Gellie Pablo from Navotas. Makakasama niya ang 1st Runner-Up mula sa Malabon City na si Phao Faraon; 2nd Runner-Up mula sa Morong, Rizal na si Armi de Leon; at ang 3rd Runner-Up mula sa General Santos City na si Keith Martin.
Celebration ng identity, empowerment, at inclusion ang mapapanood sa Friday (August 8) episode na Family Feud kaya abangan ito sa GMA.
Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.