GMA Logo Katrina Llegado
Photo source: @katllegado (IG)
Celebrity Life

Miss Supranational PH Kat Llegado, suot ang modern Filipiniana sa closed-door interview

By Ron Lim
Published July 22, 2026 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kylie Padilla Finds Comfort in Collaborative Project with Co-stars in Taskforce Firewall
Senator-judges' reservations won't affect court ruling on Sara Duterte records — spox
Miss Supranational PH Kat Llegado wears modern Filipiniana to closed-door interview

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Llegado


Si Renee Salud ang pangalawang local designer na sinuot ni Miss Supranational Philippines Kat Llegado, pagkatapos niyang suotin si Manny Halasan.

Patuloy na pinagsasama ni kasalukuyang Miss Supranational Philippines Katrina Llegado ang fashion at pageant skills sa kaniyang pageant journey sa pamamagitan ng pagsuot ng modern Filipiniana para sa isa sa Miss Supranational challenges.

Nag-upload ng mga picture si Katrina na suot ang modern Filipiniana na gawa ng designer na si Renee Salud sa kaniyang Instagram account. Sinuot niya ang Filipiniana para sa kaniyang closed-door interview para sa Miss Supranational pageant, at sa caption sa post ay sinabi niya na nanalangin din siya para sa “wisdom, confidence, and a calm heart.”

A post shared by Katrina Llegado (@katllegado)

Si Renee Salud ang pangalawang designer na na-feature ni Katrina sa kaniyang Instagram account at sa Miss Supranational pageant. Sa kaniyang sashing ceremony sa Hotel Swing sa Poland, pinili ni Katrina suotin ang isang pink Manny Halasan Filipiniana. Sinabi ni Katrina sa isang Instagram post na karangalan “to carry a piece of Filipino craftsmanship” sa simula ng kaniyang Miss Supranational journey.

A post shared by Katrina Llegado (@katllegado)

Hindi lamang si Katrina ang nagtratrabaho sa kaniyang Miss Supranational journey, dahil abala rin ang beauty pageant organizations at pageant fans sa bansa upang tulungan siya. Kamakailan lamang, nanawagan ang The Miss Philippines organization sa mga Filipino fan na suportahan si Katrina sa Miss Supranational YouTube Influencer Opportunity.

Noong nakaraang linggo, nag-upload din ang organization ng post na may kaparehong panawagan sa mga Filipino pageant fans and followers na panoorin ang introduction video ni Katrina sa Miss and Mister Suprantional YouTube channel. Sa caption ng post, ipinaliwanag ng organization na makakatulong ang YouTube Influencer opportunity na ito kay Katrina.

Naging Miss Supranational Philippines si Katrina noong 2025, sa parehong pageant kung saan ang kasalukuyang Sparkle artist na si Ahtisa Manalo ay pinangalanang Miss Universe Philippines.

Siniguro ni Katrina na pasalamatan ang kaniyang mga supporters na patuloy na naniwala at sumoporta sa kaniya. Sa caption, sinulat ni Katrina na “forever grateful” siya at ang panalo ay “ours.”

Ang kasalukuyang Mister Pilipinas Supranational Felipe Marasigan ay competing din para sa isang Supranational crown, at kamakailan lamang ay pinangalanang finalist sa Mister Supranational Supra Chat series.

Consistent ang suporta ng Mister Pilipinas Worldwide organization kay Felipe sa pamamagitan nang pananawagan ng mga boto para manalo siya sa Supra Chat series ng pageant. Kung manalo si Felipe sa overall voting, awtomatikong makakapasok sa top 20 ng Mister Supranational 2026.

Related gallery: Here are your 2026 Mister Pilipinas Worldwide winners

Isa si Felipe sa 11 winners na pinangalanan noong Mister Pilipinas Worldwide finals night na ginanap noong April 15 sa Bigger Pictures sa Mandaluyong City.