
Matapos ang ilang ulit na pagpapalit ng katauhan ni Liu Ying, nauwi pa rin ang kanyang buhay sa kamatayan dahil sa pagpaslang sa kanya ng mainit na katunggali ni Longyan.
Hindi naman makapaniwala ang haring dragon na si Longyan sa sinapit ng kanyang babaeng minamahal.
Matatandaan na si Longyan ang gumawa ng paraan upang magkasama sila ni Liu Ying nang mahabang panahon kung kaya't ganito na lamang ang galit niya nang makitang wala ng buhay ang huli.
Sa pagtatapos ng kanilang kuwento, mapapanood ang paglaban ni Longyan sa kalangitan kahit taliwas ito sa kautusan sa kanya bilang isang haring dragon.
May magawa pa kaya si Longyan upang muling mabuhay si Liu Ying at sila ay magkasama? O may ibang plano ang tadhana para sa kanilang pagmamahalan?
Tumutok sa finale episode ng Miss The Dragon, bukas, araw ng Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.