
Sa ikalimang linggo ng Miss The Dragon, naging isang prayer warrior naman si Liu Ying sa katauhan ni Ayu.
Bilang isang prayer warrior, inutusan ng emperador si Ayu na humiling ng ulan sa Bathala upang magkaroon muli ng ulan sa kanilang lupa.
Ngunit nahirapan si Ayu na mapaulan ang langit. Dahil dito, nagalit ang emperador at ipinahuli si Ayu dahil sa pag-aakalang nagsisinungaling ito.
Lingid sa kaalaman ni Ayu, gumagawa na rin ng paraan ang haring dragon na si Longyan upang tuluyan siya na magkaroon ng ulan.
Sa tulong ni Longyan ay napigilan ang pag-aresto kay Ayu. Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin maalala ni Ayu ang kanyang nakaraan maging ang pagmamahalan nila ni Longyan.
Maipagpatuloy pa kaya ni Longyan ang kanyang pagmamahal kay Ayu kahit tadhana na ang humahadlang sa kanila?
Tutukan ang kuwento ng Miss The Dragon, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.