
Sa ikawalong linggo ng Miss The Dragon, mas naging malapit sina Longyan at Heneral Liu Ying.
Dahil sa kanilang bagong mga katauhan bilang Heneral at kawal, mas naging madalas ang pagsasama nina Liu Ying at Longyan.
Dito ay unti-unting bumabalik ang mga nakasanayang gawain ni Liu Ying kay Longyan sa kanilang nakaraan. Kung kaya't inisip ng huli na baka bumalik na ang mga alaala ng una.
Lingid sa kanyang kaalaman ay talagang napapalapit na ang loob ni Liu Ying sa kanya kahit pa hindi niya matandaan ang kanilang nakaraang relasyon.
Maipagpatuloy na kaya nila ang naudlot nilang pagsasama?
Tutukan ang kuwento ng Miss The Dragon, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.