GMA Logo Miss Universe Philippines
Photo source: @themissuniverseph
What's Hot

Miss Universe Philippines, inilahad ang ranking ng latest online vote

By Ron Lim
Published April 14, 2026 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Deadline sa paghahain ng income tax returns, pinalawig ni Marcos hanggang May 15, 2026
Halos 9,000 na trabaho, alok sa Dagupan City | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Miss Universe Philippines


Ang ranking ng mga delegado sa botohan ay magiging parte ng desisyon kung sino sa kanila ang uusad sa Miss Universe Philippines pageant.

Habang papalapit na ang coronation night ng Miss Universe Philippines, nagsisimula na ring lumitaw ang mga nangunguna sa kompetisyon ngayong inilabas na ng organisasyon ang kasalukuyang ranking ng nagaganap na online voting.

Inilabas ng Miss Universe Philippines organization sa kanilang Instagram account ang isang graphic na nagpapakita sa kasalukuyang top 10 ng nangyayaring online voting. Ayon sa caption, ito ang ranking batay sa mga botong nakalap hanggang April 13, 2026.

Kabilang sa 10 kandidata sina: Miss Universe Philippines San Jose Negros Oriental Jayka Noelle; Miss Universe Philippines Negros Occidental Alex Colmenares; Miss Universe Philippines Camiguin Erica Cadayday; Miss Universe Philippines Cavite Jencel Mansala Caña; Miss Universe Philippines Mountain Province Lyneree Montero-Yodong; Miss Universe Philippines Albay Alexandra Krishna M. Oriño; Miss Universe Philippines Tarlac Marian Arellano; Miss Universe Philippines Cotabato Province Clarissa Westram; Miss Universe Philippines Quezon Province Patricia Ella Evangelista; at Miss Universe Philippines Nueva Ecija Michelle Tantoco Burchell.

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

Magiging basehan ang top 10 sa round na ito ng online voting kung sino ang uusad sa susunod na round ng kompetisyon. Kamakailan lamang ay in-announce ng Miss Universe Philippines ang Top 40 delegates ng pageant sa kanilang social media accounts.

RELATED GALLERY: Here are the Top 40 delegates of Miss Universe PH 2026

Ang natitirang 40 delegada ng Miss Universe Philippines ay patungo sa paparating na coronation night, na inilipat sa May 2 para bigyan ng pagkakataon ang organisasyon at ang venue na makapaghanda. Ang unang date ng coronation night ay noong May 1.

Ang SM Mall of Asia pa rin ang venue ng coronation night, na magsisimula sa 6 p.m.

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)

Kasalukuyang nangyayari ang Miss Universe Philippines pageant, kung saan ang mga delegada nito ay parte ng iba't ibang aktibidad patungo sa coronation night sa Mayo. Nakibahagi ang mga kandidata sa Miss Universe Philippines swimsuit show () nitong nakaraang buwan sa Aqua Boracay Bulabog Beach.

A post shared by Aqua Boracay (@aquaboracay)

Kamakailan lang ay nakita rin ng mga manonood ang mga evening gowns ng mga kandidata na gawa ng mga designers tulad nina Louis Pangilinan, Mark Bumgarner, at Ehrran Montoya.

Si Roxie Smith ng Kapuso Network ay kasama rin sa mga nasa Miss Universe Philippines pageant.

Simula noong pinangalanan siyang 2026 Miss Universe Philippines Baguio, nakibahagi si Roxie sa Panagbenga Float Parade, kung saan sumakay siya sa float na ipinagdiriwang ang 30th year ng Panagbenga Festival.

RELATED GALLERY: Miss Universe PH Baguio Roxie Smith shines at the Panagbenga Festival