Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes na pinalawig niya ang deadline sa paghahain ng annual income tax returns (AITRs) hanggang sa Mayo 15, 2026.
''Mas may oras ang bawat taxpayer na makapag-file nang maayos, kasama ang lahat ng kailangang dokumento, at walang ipapataw na penalties,'' saad ni Marcos sa isang social media post.
Ang mga manggagawa na kumikita lamang mula sa sahod (purely compensation income) ay maaaring hindi na mag-file kung kuwalipikado sila sa substituted filing, o ang employer ang nag-aasikaso ng pagsusumite ng buwis para sa kanila.
Gayunman, ang mga may halo-halong kita (mixed-income earners), self-employed, freelancers, at ang mga may higit sa isang employer ay kinakailangang maghain ng sarili nilang income tax returns.
The Bureau of Internal Revenue launched in March its Electronic Tax (eTax) Filing or Tax Assistance Center at the BIR National Training Center Auditorium to provide on-site support for the preparation and electronic filing of ITRs.
Inilunsad ng Bureau of Internal Revenue noong Marso ang Electronic Tax (eTax) Filing o Tax Assistance Center sa BIR National Training Center Auditorium upang magbigay ng on-site support sa paghahanda at electronic filing ng ITRs.— Anna Felicia Bajo/FRJ GMA News

