GMA Logo Asia Rose Simpson
Photo source: @asiarosesimpson
What's Hot

Miss World PH Asia Rose Simpson, modern Filipiniana ang suot sa sashing ceremony

By Ron Lim
Published August 14, 2026 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Siklistang natumba, sugatan nang mabangga at pumailalim sa patrol vehicle ng LTO
Apl.de.Ap partners with GMA Music for new EP release
Eagle Sawaga-Dalwangan dies of bacterial infection

Article Inside Page


Showbiz News

Asia Rose Simpson


Layunin ni Miss World Philippines Asia Rose Simpson na iuwi ang pangalawang Miss World crown ng bansa.

Patuloy na ipinagmamalaki ni Miss World Philippines Asia Rose Simpson ang bansa sa pamamagitan ng kanyang fashion dahil isa na namang modern Filipiniana ang suot niya sa Miss World sashing ceremony.

Makikita sa kanyang Instagram post at sa official Miss World Philippines Instagram account ang mga picture ni Asia suot ang puting modern Filipiniana ni designer Paul Cabahug. Sa post ng Miss World Philippines, sinulat ng organization na ang sashing ceremony ay isang “defining moment. A proud declaration. A legacy in the making.”

A post shared by MISS WORLD PHILIPPINES (@msworldphil)

Samantala, sinabi ni Asia sa kanyang sariling post na umapak siya sa stage dala ang bayanihan spirit at ikinagagalak niyang dalhin ang pangalan ng bansa “forever.”

A post shared by Asia Rose Simpson (@asiarosesimpson)

RELATED GALLERY: Check out Miss World Philippines Asia Rose Simpson's week in fashion

Ang sashing ni Asia ay nangyari halos isang linggo pagkatapos niyang dumating sa Vietnam, kung saan sinalubong siya at binigyan ng bulaklak ng mga Vietnamese officials sa InterContinental Halong Bay. Kasama rin ni Asia ang ilan pang Miss World delegates na dumating din noong araw na iyon.

Sa post ni Asia, pinasalamatan niya ang mga host dahil sa kanilang mainit na pagtanggap at Ibinahagi rin niya na ang modern Filipiniana na kanyang suot ay gawa ng designer na si Maisa Morató.

A post shared by Asia Rose Simpson (@asiarosesimpson)

Mula nang dumating siya sa Vietnam, nakibahagi na si Asia sa kanyang unang charity event, kung saan bumisita siya sa Quang Ninh Provincial Hospital of Traditional Medicine para makibahagi sa “Sharing Smiles - Spreading Love” program nito na para sa mga disadvantaged children.

Bago pa magsimula ang kanyang Miss World pageant activities ay marami na siyang sinalihan dito sa bansa. Nitong nakaraang buwan, naging parte si Asia sa fashion show ng fashion designer na si Ryan Ablaza Uson. Tampok din si Asia sa Instagram account ni Ryan suot ang isang gown na pinangalanang Rayos de Encaje. Ang gown ay para sa 10th anniversary show ng designer.

Isa lamang si Asia sa mga beauty queen na naging bahagi ng fashion show noong panahon na iyon. Naging parte ng fashion show ng Filipino designer na si Jor-el Espina ang Sparkle artist na si Gazini Ganados.

Maliban sa pagiging bahagi ng fashion show, naging parte rin ng advocacy work si Asia. Noong May, siya at iba pang Miss World Philippines queens ay nakibahagi sa isang breast and cervical cancer prevention advocacy program na ginanap sa Barangay Luntal, Taal, Batangas.

Sa caption ng post, sinabi ng Miss World Philippines organization na ang program ay isang “meaningful initiative dedicated to raising awareness, promoting prevention, and encouraging women to prioritize their health and well-being.”