
Ngayong Miyerkules sa Family Feud, magtatagpo ang walo sa pinakakilala at pinakabagong pageant titleholders ng bansa.
Maghaharap ngayong June 10 ang dalawang teams na binubuo ng mga winner ng Mister Pilipinas Worldwide 2026 para ipakita ang kanilang talino, bilis ng pag-iisip, at teamwork.
Unang sasabak sa laro ang Hunks on Fire, na binubuo ng mga titleholder na nagbigay-karangalan sa bansa sa iba't ibang international pageants.
Pinangungunahan ito ni MJ Ordillano, Mister Pilipinas Worldwide Global 2026, kasama si John Wayne Alba, Mister Pilipinas Worldwide International 2026. Kasama rin sa Hunks on Fire sina John Bonifacio, Mister Pilipinas Worldwide Cosmopolitan 2026, at Godfrey Murillo, Mister Pilipinas Worldwide Eco International 2026.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Sa kabilang panig naman ay ang The Total Package na pinamumunuan ni Jason Lopez, Mister Pilipinas Worldwide 2026, kasama si Enzo Bonoan, Mister Pilipinas Worldwide Cosmo 2026. Makakasama pa nila sa Family Feud stage si JP Gundayao, Mister Pilipinas Worldwide Manhunt Supermodel 2026, at Gian Guidicelli, Mister Pilipinas Worldwide 2026 2nd runner-up.
Abangan ang exciting at masayang tapatan ng mga Mister Pilipinas Worldwide 2026 winners sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 10, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.