GMA Logo Maine Mendoza, MJ Lastimosa, and Maja Salvador
What's on TV

MJ Lastimosa's blooming friendship with Maine Mendoza and Maja Salavador

By Jimboy Napoles
Published March 23, 2022 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos pays tribute to moms' care, love, resilience on Mother's Day
Marian Rivera launches Vida Essentials line via six-hour live selling session
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Maine Mendoza, MJ Lastimosa, and Maja Salvador


Tinawag na "Triple M" ni MJ Lastimosa ang nabuong pagkakaibigan nila nina Maine Mendoza at Maja Salvador.

Magkakasama ngayon bilang hosts sa longest-running noontime show na Eat Bulaga sina Maine Mendoza, Maja Salvador, at MJ Lastimosa.

Dahil sa araw-araw na pagtatrabaho ng magkakasama, tila nagiging dabarkads on and off na rin ang tatlo.

Sa latest Instagram post ni MJ, ibinahagi niya ang ilan sa mga larawan at video ng masasayang kulitan nila nina Maine at Maja.

A post shared by MJ Lastimosa (@mj_lastimosa)

"My happiest state," caption ng beauty queen at host sa kanyang post.

"#eatbulaga #dabarkad #3M #tripleM bagong P-pop in town," dagdag pa niya.

Agad naman na pinusuan ni Maja ang post na ito ni MJ at nagkomento rin ang ilan sa mga kapwa nila Eat Bulaga hosts na sina Pauleen Luna, Paolo Ballesteros, at Ryan Agoncillo.

Panoorin sina MJ, Maine, at Maja sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m., at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

Samantala, silipin naman ang larawan ng mga paandar na OOTD ni MJ sa gallery na ito.