GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Models at fashion experts, maghaharap sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published July 30, 2026 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos, inaprubahan ang pagbubukas ng tax records ni Sara Duterte, ayon sa Palasyo
3 schools in VisMin get security threats
Alex Eala defeats defending champion Fernandez to make it to DC Open quarterfinals

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kilalanin ang mga maglalaro mula sa Professional Models Association of the Philippines (PMAP) at The Fashion Institute of the Philippines ngayong July 30 sa 'Family Feud!'

Gorgeous at glamorous models at team of designer-educators ang magpapagalingan sa Family Feud ngayong Huwebes!

Tampok ngayong July 30 ang The Fast and Fashionable at The Fashion Institute of the Philippines sa "more tawa, more saya" Thursday episode.

Maglalaro sa The Fast and Fashionable ang lineup of professional models mula sa Professional Models Association of the Philippines (PMAP). Pangungunahan ito ni Jach Manere, isang content creator at social media manager na kilala rin sa mundo ng modeling. Sa kabila ng kaniyang glamorous career, hilig din niya ang pottery at gardening.

Makakasama niya si Margarita "Marga" Lauren Cortez na mahilig mag-thrift at maghanap ng mga unique fashion pieces; si Chumason "Mason" Njigha, isang professional volleyball player at dating Ateneo Blue Eagle na nagtatrabaho rin sa sales ng isang tour operator company; at ang professional model na si Nathan "Kai" Suzon.

Sa kabilang panig naman ang The Fashion Institute of the Philippines, isang fashion school na mahigit dalawang dekada nang nagtuturo ng iba't ibang fashion courses sa mga local at international students, hobbyists, at business professionals.

Pangungunahan ang team ni Iross Cramer, director, co-owner, at educator ng institute. Kasama rin niya si Violet Imperial, isang fashion consultant at fashion design instructor na mahigit 14 na taon nang nagtuturo sa Makati campus. Makikibahagi rin sina Mark Dela Peña, isang bridal studio owner na 15 taon nang nagtuturo ng sewing, at Jay Tillo, isa ring bridal studio owner at instructor sa men's wear pattern-making sa loob ng 12 taon.

Makisaya at makihula ngayong Huwebes sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 30, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na mula Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.