GMA Logo Katrina Halili, Camille Prats
Source: Mommy Dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Minumulto na ni Emma si Jade!

By Kristian Eric Javier
Published June 10, 2025 7:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili, Camille Prats


Patuloy ang pagmumulto ni Emma kay Jade! Pagmumulto nga ba ito?

Patindi nang patindi ang paghihiganti ni Emma (Katrina Halili) kay Jade (Camille Prats) sa Mommy Dearest!

Sa episode nitong June 5 ay nagsimula na ang paghihiganti ni Emma nang simulan niyang akitin ang asawa at fiancé na ngayon ni Jade na si Danilo (Dion Ignacio). Nakita siya ni Jade at sinubukang habulin, ngunit dahil sa plano nila ay inakala nitong hindi si Emma ang nang-akit kay Danilo.

Nitong June 9, pinagpatuloy ni Emma ang paghihiganti niya kay Jade. Sinimulan niya sa pag-video call dito, ngunit nakatakip ang camera. Sinabi pa niya dito na tumatawag siya galing sa hukay, at tinanong kung na-miss ba siya ni Jade.

Lalong natakot si Jade nang buksan ni Emma ang camera at ipakitang siya talaga ang kausap ni Jade. Sa takot ay inilapag ni Jade ang cellphone niya nang nakataob kahit nagsasalita pa si Emma.

Ngunit nang tingnan ni Mookie (Shayne Sava) ang phone, nakita niyang ang kaibigan pala ni Jade na si Leticia ang kausap nito. Para maka-relax, inaya siya nito sa isang spa sa hotel. Gamit ang isang disguise, pinasok din ni Emma ang spa noong mag-isa na lang si Jade. Nilagyan niya ng pampahilo ang tsaa na iinumin nito bago muling kinamusta ang kapatid.

Kahit harap-harapan na sila ay hindi pa rin makapaniwala si Jade. Sa halip, ang iniisip niya ay hallucination lang ang nakikita nito. Pagpapatuloy pa niya ay sigurado siyang patay na ang kanyang kapatid kaya imposibleng nandodoon ito.

Tinawanan lang ni Emma si Jade at habang tumatagal ay unti-unti na itong naapektuhan ng gamot na nainom nito. Nang makatulog ay nakita ni Emma ang anti-hallucination na gamot ni Jade.

Nang magising si Jade ay si Leticia na lang ang kasama niya. Ngunit sabi nito, nagha-hallucinate lang ang kaibigan dahil patay na si Emma. Suhestyon nito, inumin na ni Jade ang gamot nito.

Ngunit kahit wala si Emma, patuloy pa rin ang pananakot niya dahil ni-record niya ang kanyang tawa at ginamit bilang ringtone ni Jade para lalo itong mabaliw at matakot.

Abangan ang Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

BALIKAN ANG BEHIND THE SCENES NG PHOTOSHOOT NG 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO: