
Natatawang ikinuwento ng TikTok star na si Mommy Grace Tanfelix ang first heartbreak ng anak na si Miguel Tanfelix sa guesting sa "Toni Talks" ni Toni Gonzaga ngayong Linggo, March 9.
Ibinuking ni Mommy Grace ang nangyari noon sa unang heartbreak ni Miguel kay Barbie Forteza, noong nasa edad 14 pa lamang ang aktor.
"Talagang batang-bata pa siya noon. Naaalala ko nagkasalubong kami sa hagdan, sabi niya, 'Mommy, nag-break na kami,'" natatawang kuwento ni Mommy Grace. Aniya, umiiyak si Miguel habang sinasabi ito sa kanya.
"Sila ni Barbie nu'n. Natatawa ako. Ikinuwento ko nga agad sa mother ko, sa biyenan ko," dagdag niya.
RELATED CONTENT: 'Okay na 'to' TikTok star, Mommy Grace Tanfelix, patok online!
Ani Mommy Grace, sinabi niya lamang daw noon kay Miguel nang umiiyak itong lumapit sa kanya dahil heartbroken, "Ay talaga! Aww!"
Ikinuwento rin ni Mommy Grace na hindi siya naging istrikto sa pagpasok ni Miguel sa isang relasyon. Noong nagkaroon ng girlfriend ang anak, aniya, pinayuhan lamang niya ito na "mag-enjoy lang kayo. Gawin n'yo lang inspiration ang isa't isa."
Ayon kay Mommy Grace, naging okay sa kanya ang lahat nang naging girlfriends ni Miguel, na aniya ay mababait lahat. Sabi niya, "Basta kung sino naman ang gusto ng anak ko, gusto ko rin naman. Basta lang may limitations."
Panoorin ang buong interview nina Mommy Grace at Miguel Tanfelix sa "Toni Talk" sa video na ito: