
Umani ng papuri mula sa mga manonood si Kapuso actress Ashley Ortega sa pagganap niya bilang si Marriam sa pinakabagong GMA Telebabad series na Legal Wives.
Isang papuri din ang natanggap niya mula sa isa sa kanyang mga co-stars na si award-winning actor Mon Confiado.
Gumaganap si Mon bilang Mayor Usman Pabil, ang ama ng karakter ni Ashley na si Marriam.
Source: monconfiado IG
Nag-post si Mon ng selfie niya kasama si Ashley at pinuri nito ang acting ng dalaga sa kanilang mga eksena.
"Astagfirullah! (I seek forgiveness in God!) Haram (Bawal) ang ginawa mo Watakolay Marriam! Congratulations @ashleyortega! Ang husay mo sa 'Legal Wives'! Ang galing mo!" sulat ng aktor sa caption ng kanyang Instagram post.
Sumagot naman si Ashley sa comments para magpasalamat.
"Shukran Abie (Salamat Tatay) nagmana lang po sa kahusayan mo!" aniya.
Sa Legal Wives, si Marriam ang magiging sanhi ng isang rido o clan war dahil sa ginawa niyang kasinungalingang tungkol kay Ismael, karakter ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Panoorin ang eksenang 'yan dito:
Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Mranaw ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.
Tampok dito sina Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali at marami pang iba.
Tunghayan ang Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.