
Mga bagong kuwento ang hatid ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong buong buwan ng Oktubre.
Limang bagong episode ang inihanda at nai-tape sa ilalim ng striktong health and safety protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa set.
Sinimulan na ito ng episode noong nakaraang Sabado na pinamagatang "Viral Frontliner: The Lorraine Pingol Story."
Tampok dito sina Shaira Diaz, Yayo Aguila, Luis Hontiveros at Anthony Rosaldo.
Binigyang buhay nila ang kuwento ng isang nurse na nag-viral matapos tulungangang manganak ang isang street dweller sa Makati.
Ngayong parating na Sabado, October 10, isang napapanahong kuwento na naman ang matutunghayan sa episode na "The Lockdown Wife."
Kuwento naman ito ng isang battered wife na nagawa pang ikulong ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay nang ilang buwan.
Bidida dito sina Bea Binene at Martin del Rosario. Makakasama din nila sina James Teng at Maritess Joaquin.
Susundan ito ng episode na "Sign Language of Love" sa October 17 kung saan tampok sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales.
Kuwento ito ng teacher sa isang school for the deaf na mahuhulog ang loob sa kanyang ng deaf-mute estudyante.
Bukod sa mga problema ng komunikasyon sa pagitan nilang dalawa, haharapin din nila panghuhusga at pagtututol ng mga kanilang pamilya at mga katrabaho.
Patuloy na bumitsa sa GMANetwork.com/MPK para sa updates at karagdagang impormasyon para sa iba pang upcoming episodes ng #MPK ngayong buwan ng Oktubre.