
Available na nang buo at libre online ang top-rating episode na pinagbidahan ni "Sexy Hipon" Herlene Budol sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Pinamagatang "Yaya Dubai and I," gumanap dito si Herlene bilang OFW (overseas Filipino worker) na si Jenny.
Naninilbihan siya bilang yaya ng batang si Mody (Euwenn Aleta) na may cerebral palsy.
Dahil sa malasakit niya sa bata, mapapalapit ang loob niya sa kanyang Egyptian boss na si Hany (Mike Agassi).
Unang ipinalabas ang episode noong nakaraang Nobyembre bilang isa sa mga annivesary specials ng #MPK.
At dahil sa insistent public demand, muli itong ipinalabas noong nakaraang Abril.
Ang episode ang nagsilbing acting debut ni Herlene na lubos namang naghanda para sa kanyang role.
Nagtala ito ng 10.9% viewership, ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines noong una itong pinalabas noong nakaraang Nobyembre. Mas mataas ito kaysa sa kasabay na programa sa kabilang istasyon na nagtala ng 8.1%.
Panoorin nang buo at libre ang "Yaya Dubai and I" na pinagbidahan ni Herlene dito: