
Talagang nagre-resonate kahit sa mas nakakabatang audience ang mga kuwento ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Ilang TikTok creators ang gumawa ng sexy dance para sa version ni Golden Cañedo ng theme song na "Magpakailanman." Makikitang gumugiling at kumakaldag-kaldag pa ang mga ito kahit pa malumanay ang awit kaya nag-viral ang mga videos pati na ang kanta.
@dennis_tayag HINDI MAG BABAGO🥵 #dennistayag #NationalDance2023 #LabanDennisTayag #fyp #foryou #foryoupage ♬ magpakaldag man - Magda Lena
@darrenangeloveluz magpakailanman
♬ Magapakailanman - Yang Quiachon on IG
Umani na rin ng one billion views na ang hashtag na #Magpakailanman sa TikTok habang 225.6k followers at 1.6 million likes na ang official TikTok account na @mpkgma.
Naging theme song ng #MPK ang bersiyon ni Golden ng "Magpakailanman" mula 2019 hanggang 2020. Cover ito ng orihinal na awit ni Wency Cornejo na mula sa 2003 album na Langit Sa Lupa.
May bagong theme song na rin ang #MPK ngayong 2022. Pinamagatan pa ring "Magpakailanman," iba na ang lyrics at musika nito pero mula pa rin ito kay Wency Cornejo. Ka-duet naman niya rito si Aicelle Santos.
Kamakailan, humakot ng mga nominasyon ang #MPK sa PMPC Star Awards 2023, kabilang ang Best Drama Anthology, Best Performance by an Actress at Best Single Performance by an Actor.
Patuloy na mapapanood ang tunay ng kuwento ng mga tunay na tao sa #MPK o Magpakailanman tuwing Sabado, 8:00 p.m. sa GMA.
Naka-livestream din nang sabay ang mga episodes nito sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.