
Mas lalong nagiging competitive ang labanan para sa korona ng Mr. World Philippines crown ngayong gaganapin na ang isa pang challenge na makakatulong upang manalo sa male beauty pageant ngayong taon.
In one of the more recent posts on its official Instagram account, the Mr. World Philippines organization announced that the head to head challenge for this year's pageant will be held this Friday, July 10. The challenge will be aired on the Mr. World Philippines organization TikTok account.
Ang head to head challenge ay isa lamang sa mga fast track challenges na haharapin ngayong taon ng mga Mr. World Philippines candidates. Una nang ginanap ang Mr. World Philippines sports challenge sa Edades Farm sa Taysan, Batangas nitong nakaraang buwan.
Sa caption ng announcement post, sinabi ng organization na ang challenge ay nagha-highlight sa “core values of sportsmanship, resilience, and the unwavering drive to succeed”.
Unang inannounce ng Mr. World Philippines organization ang fast track challenges na haharaping ng mga delegates nitong April.
Maliban sa sports at head to head challenges, ang mga fast track challenges ay ang beach wear challenge, ang talent competition, ang top model challenge, ang multimedia challenge, ang head to head challenge, at ang Beauty with a Purpose challenge. Bingyang diin din ng organization ang Beauty with a Purpose challenge. Ayon sa kanila, ito ang pinaka-importanteng challenge dahil sa pag-highlight nito sa advocacy work, charity projects, at social impact.
Sinuotan ng sash at ipinakilala sa media and mga 2026 Mr. World Philippines candidates nitong July 1 sa Collab by Sheraton Hotel Manila.
Sa caption sa post, sinabi ng organization na ang mga kandidato ngayong taon ay “ready to represent excellence, purpose, and the true spirit of the modern Filipino man.”
Ang kasalukuyang Mr. World Philippines, Kirk Bondad, ay nagtapos sa Top 12 ng Mr. World Top Model competition. Pinuri din si Kirk ng Mr. World Philippines dahil sa pagbida niya sa gawang Pinoy at pagsuot ng suit na gawa ng designer na si Francis Libiran.
Si Andrew Wolff ang pinakamalayo ang naabot sa Mr. World pageant. Noon 2012 ay naging first runner-up siya kay Mr. Colombia Francisco Javier Escobar Parra.
Si Kirk Bondad naman ay napanalunan ang Mister International pageant, isang panalo na inilarawan niya ay higit pa sa sarili niya.
RELATED CONTENT: Kirk Bondad is all set to win the Mister International crown