
Beauty pageant organizers and titlists ang maglalaro sa exciting na Wednesday episode ng Family Feud!
Ang Mrs. Universe Philippines ay ang Filipinas associated sa annual international event for married, divorced, widowed women at single mothers. Pangungunahan ang team ni Maria Charo Laude, dating That's Entertainment star at kasalukuyang president at national director ng Mrs. Universe Philippines. Siya rin ang naging Mrs. Universe Philippines 2019.
Kasama niya ang kapwa titleholders na sina Schennday Go Hansen, ang Mrs. Universe Philippines Global International 2026 at dating U.S. military combat veteran sa Middle East; Maria Teresa Ramos DeBoer, director ng Mrs. Universe Philippines-USA; at entrepreneur at model na si Susan Chin, ang Mrs. Universe North Philippines 2025.
Samantala, lalaban naman para sa Mr. Gay World Philippines ang grupo ng mga Pinoy titleholders ng international pageant para sa LGBTQIA+ community.
Pamumunuan sila ng pride of Bulacan na si Drei Arias, ang reigning Mr. Gay World Philippines 2026. Makakasama niya sina Lourd Ramos, celebrity hairstylist at Mr. Gay World Philippines All-Stars Winner 2; designer na si Mark Anthony Bacongan, ang Mr. Gay World Philippines All-Stars Winner 1; at Juan Miguel Lago ng Sta. Ana, Manila, ang 1st runner-up ng pageant na may background sa corporate communications para sa World Vision at Habitat for Humanity.
Abangan ang nakakatuwang pageant showdown sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 5, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.