
Na-miss n'yo ba ang nakakakilig na tandem ng #JuGia? Muling tunghayan ang kanilang love story sa pagbabalik ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad.
Starring Heart Evangelista and South Korean entertainer Alexander Lee, tampok sa My Korean Jagiya ang kuwento ng K-drama fanatic na si Gia Asuncion at ng dating South Korean superstar na si Kim Jun Ho. Dito mapapanood kung papaano nag-krus ang landas nina Gia at Jun Ho at kung papaano nahulog ang loob nila sa isa't-isa.
Maliban kina Heart at Xander, kabilang rin sa cast nito ang mga aktor na sina Janice De Belen, Ricky Davao, Valeen Montenegro, Iya Villania, EA Guzman, Jinri Park, at marami pang iba.
Abangan ang pagbabalik ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad, ngayong November na!