
Nagbigay ng paalala ang newly crowned Miss Universe Philippines 2026 na si Bea Millan-Windorski tungkol sa nalalapit na deadline ng voter registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, na gaganapin sa November 2.
Sa kanyang Instagram story, hinikayat ni Bea ang publiko na magparehistro upang magamit ang kanilang karapatang bumoto. Nakatakda sa Lunes, May 18, ang huling araw ng voter registration.
“Iparinig ang [inyong] mga boses sa mga ballot boxes,” sulat ni Bea sa kanyang post kalakip ang larawan na nagpapakita ng kanyang daliri na may indelible ink.
Photo from bea.millan.windorski (IG)
Samantala, bukod kay Bea, nanawagan din ang all-girl group na Bini sa netizens na magparehistro bilang botante para sa darating na eleksyon.
RELATED FEATURE: Meet Miss Universe PH 2026 Bea Millan-Windorski