GMA Logo Carla Abella, Bea Alonzo, Widows War cast
What's on TV

Murder mystery series na 'Widows' War', abangan sa GMA Prime

By EJ Chua
Published January 23, 2024 7:42 PM PHT
Updated June 13, 2024 8:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drone strikes on Sudan kindergarten, hospital kill dozens —local official
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abella, Bea Alonzo, Widows War cast


Bagong seryeng puno ng misteryo at intense na mga tagpo ang handog ng GMA-7 sa mga manonood ngayong 2024!

Ihanda na ang inyong mga puso sa panibagong murder mystery series na handog ng GMA-7.

Mapapanood ngayong 2024 ang Widows' War, ang seryeng may dalang misteryo na talaga namang dapat tutukan ng viewers sa telebisyon man o online.

Nito lamang Martes, January 23, 2024, idinaos ang story conference at script reading para sa upcoming series.

Nagkita-kita sa naturang event ang cast, creative team, at iba pang magiging parte ng bagong GMA program.

Present sa storycon ang mahuhusay na Kapuso actresses na kabilang sa cast na sina Carla Abellana at Bea Alonzo.

Dumalo rin sa event ang magiging co-stars nina Carla at Bea sa serye na sina Benjamin Alves, Jean Garcia, Jackie Lou Blanco, Timmy Cruz, Jeric Gonzales, Rita Daniela, Mark Herras, at marami pang iba.

Ang upcoming series ay ididirek ng direktor ng Firefly na si Direk Zig Dulay.

Kanino at paano kaya iikot ang istorya ng Widows' War?

Abangan ang pinakabagong murder mystery series ngayong taon sa GMA Prime.