
Simula June 3, mapapanood na sa mga piling sinehan ang remastered 1999 award-winning film na Muro-ami, na pinagbidahan ni Cesar Montano at idinirehe ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya.
Sa interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni Cesar Montano ang excitement na naramdaman nang mapanood ang remastered version ng Muro-ami sa naganap na special screening nito noong Martes, May 19, sa SM North EDSA Director's Club.
"I'm very excited nang marinig kong magkakaroon. Trailer pa lang tuwang-tuwa na ako. I was jumping up and down. Masaya ako dahil nabuhay ulit ['yung] pelikula," sabi niya.
Ibinahagi rin ng aktor sa press interview ang relevance ng pelikula sa henerasyon ngayon.
"This movie was like 26 years ago. Ang relevance nito, well, hindi lang ito child labor ang ini-expose natin dito, kundi yung pagmamahal din sa kalikasan, 'yung pag-iingat natin sa karagatan."
Ang Muro-ami ay tumatalakay sa kontrobersyal na pag-exploit ng mga bata para gamitin sa mapaminsalang uri ng pangingisda.
Narito ang listahan ng SM cinemas nationwide kung saan mapapanood ang Muro-ami. Nagkakahalaga ang ticket ng PhP250.
Metro Manila
Aura
BF Parañaque
Bicutan
East Ortigas
Fairview
Grand Central
Mall of Asia
Manila
Marikina
Megamall
North EDSA
San Lazaro
Southmall
Sta. Mesa
North Luzon
Baguio
Clark
Olongapo Central
Pampanga
Tarlac
Telebastagan
South Luzon
Bacoor
Batangas
Calamba
Dasmariñas
Legazpi
Lipa
Lucena
Naga
Puerto Princesa
Sta. Rosa
Visayas
Cebu
Iloilo
Seaside
Mindanao
CDO Downtown
Lanang
Open na rin ang advance ticket selling para sa pelikula via SM Cinema App at website. Maaaring i-book ang ticket, DITO.
Samantala, panoorin ang trailer para sa remastered version ng Muro-ami, rito:
TINGNAN ANG MGA NAGANAP SA MURO-AMI SPECIAL SCREENING SA GALLERY NA ITO: