
Hindi na yata makatarungan ang paninira ng bashers sa pamilya Faulkerson. Binasag na ni Daddy Bae Richard Faulkerson Sr. ang kanyang katahimikan para magsalita sa mga naninira sa kanya at sa kanyang pamilya.
Maikli at kalmado ang tono ng Twitter post ni Daddy Bae, "Kami po ay hindi nakikipagaway sa inyo...sana po ay isipin na kami ay walang ginagawa na masama sa inyo..."
Kami po ay hindi nakikipagaway sa inyo...sana po ay isipin na kami ay walang ginagawa na masama sa inyo...????
— Richard Faulkerson© (@R_FAULKERSoN) August 4, 2017
Nais niyang makipag-ayos sa mga tumitira sa kanyang pamilya kahit pa tinutulak na siya ng kanyang mga tagasuporta na mag-file ng legal case sa mga taong gumagawa-gawa ng kuwento.
My Senior Legal Counsel, Atty. No Case...?????????? pic.twitter.com/v5pRIl6ynf
— Richard Faulkerson© (@R_FAULKERSoN) August 2, 2017
Matatandaang pinabulaanan nila ng kanyang anak na si Pambansang Bae Alden Richards ang tsismis na batang ama umano si Tisoy.
Handang sumailalim sa DNA test si Daddy Bae upang mapatunayan na anak niya talaga ang bunsong kapatid ni Alden na si Angel.