What's Hot

MUST-READ: Tekla, may ibinunyag tungkol sa kanyang sekswalidad

By Bea Rodriguez
Published August 17, 2018 6:10 PM PHT
Updated August 17, 2018 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chinese man allegedly posing as Filipino arrested in Laguna
Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars
Farm to Table: Classic Pinoy dishes

Article Inside Page


Showbiz News



Kanino ba nagkakagusto si Tekla sa totoong buhay, sa lalaki o sa babae? Narito ang kanyang sagot sa usapin tungkol sa kanyang sekswalidad.

Napag-usapan sa Inday Will Always Love You Season 2 press conference kahapon, August 16 ang kasarian ng Kapuso comedian na si Tekla.

Sa serye, may crush ang kanyang karakter na si Kimberlou sa kaibigan ni Patrick (Derrick Monasterio) na si Frank, ang karakter ng Internet sensation na si Kimpoy Feliciano.

Pero, straight daw si Tekla o si Romeo Librada sa totoong buhay, “Lalaki talaga ako. 100% guy ako.”

Napapagkamalan lang siyang bakla dahil sa kanyang karera bilang isang komedyante, “Nabuhay ako sa comedy bar kaya na-adapt ko 'yung pag-iisip na how to be gay. Honestly, once gay ka, gagapang at gagapang ang kamay mo. Ako, hindi, never.”

Minsan na rin niyang pinagdudahan ang kanyang sarili kaya hindi idinenay ni Tekla na may karanasan na siya sa opposite sex, “Sinubukan ko na 'yung sarili ko kung bakla ba talaga ako [pero] walang spark [sa lalaki]. Promise!

"Nagkaroon po noong [sinubukan] ko ang sarili ko kung [ano] ba talaga ang sexual preference ko. Dati nakita ko 'yung [sagot] noong nandun pa ako sa stage na nalilito ako. Confirmed!”

Pinatunayan rin ng kanyang Inday Will Always Love You co-star na si Direk Ricky Davao na straight ang komedyante, “Kasama ko siya sa tent eh. Tuwing nagbibihis kami, tumatalikod siya pero kapag 'yung mga babae nagbibihis, nakaharap siya.”

Joke pa ni Tekla, “Sumisikip nga 'yung pantalon ko eh!”

Lingid sa kaalaman ng marami, may anak na babae ang Kapuso star sa kanyang karelasyon noon.