Celebrity Life

MUST-SEE: Davao Oriental's Lake Carolina

By Dianara Alegre
Published March 10, 2021 1:29 PM PHT
Updated March 10, 2021 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Lake Carolina


Bukod sa nakamamanghang ganda ng Lake Carolina, posible ring isa itong Blue Hole na gaya ng matatagpuan sa Tablas Island sa Romblon.

Sa Pilipinas, iisa lamang ang kinikilala ng mga diver na lehitimong Blue Hole o 'yung anyong-tubig na sobrang lalim at dilim na konektado sa mas malaking bahagi ng anyong-tubig. Ito ang Blue Hole na matatagpuan sa Tablas Island sa Romblon.

Ngunit isa pa umano sa mga posibleng Blue Hole sa Pilipinas ay ang napakagandang Lake Carolina na matatagpuan sa bayan ng Baganga sa Davao Oriental. Ito ay napalilibutan ng malawak na kakayuhan.

Ito'y matatagpuaan sa gitna ng kagubatan at nakamamangha ang ganda ng Lake Carolina dahil sa asul na kulay ng tubig nito.

Lake Carolina

Ayon sa report ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) hindi pa nasusukat ang lalim nito na tinatawag ding Baganga Blue Hole. Hindi rin umano ito isang lawa kundi isang tidal creek kung saan ang tubig tabang ay nahahaluan ng tubig alat mula sa dagat.

Bahagi ito ng 21 hectares na lupa na pagmamay-ari ng dalawang pamilya. Ang isang bahagi ay ginawang private resort pero nananatiling libre ang entrance fee sa lupang nakakasakop ng Lake Carolina.

Lake Carolina

Nitong 2019, sinisid ng grupo ng scuba divers na kabilang ang cave diver na si Bernil Gastardo ang Lake Carolina.

“We expect that the deep fresh water spring cave system talaga similar to like Enchanted River in Hinatuan,” lahad ni Bernil.

Aniya, bukod sa malakas ang current ng tubig sa ilalim, nahirapan din daw sila sa mabato at makipot na lagusan dito.

Sa patuloy nilang pagsisid ay nadiskubre nilang ay talagang malalim ang naturang lawa.

“When we reached around 42 meters, 'yung feeling na nasa ibabaw ka ng world's tallest building, 'Oh my God, it is so deep',” pahayag ni Lyndon Cubillan, isa ring cave diver.

Isa nga ba talagang Blue Hole ang Lake Carolina?

Panoorin ang espesyal na pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa Lake Carolina sa video sa itaas.

Samantala, tingnan pa ang ibang lugar sa Davao Oriental na kuha ng vlogger na si Kyle "Kulas" Jennermann sa gallery sa ibaba:

Related content:

WATCH: Top 'KMJS' stories of 2020

KMJS: Resulta ng Cross-DNA test ng pamilya Sifiata at Mulleno, lumabas na!