
Usap-usapan ngayon na buntis umano ang dating Bubble Gang star na si Ellen Adarna at ang ama ng kanyang dinadala ay ang actor at rumored fiancé na si John Lloyd Cruz.
Matapos i-spoof ng dalawa ang kanilang rumored “wedding” sa pamamagitan ng kanilang Instagram posts, naglabasan naman ang ilang litrato ng kanilang “future view.”
Sa post ng sexy actress, may house emoji at naka-tag ang dalawang Instagram accounts na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng matinee idol.
“Mine. Yours.” naman ang caption ni @ekomsi.
In the works na ba ang happy ending ng rumored couple?