
Sunod-sunod ang blessings para kay Kapuso actress Katrina Halili sa pagpasok ng taong 2019.
Matapos magdiwang ng kaniyang kaarawan noong January 4, nagtala ng mataas na ratings ang pinagibidahan niyang episode ng Magpakailanman kasama sina Dion Ignacio, Allan Paule at Bruce Roeland.
Bukod dito, naabot na ni Katrina ang kaniyang target weight. Naibaba niya ang kaniyang timbang sa 50 kilos na sapat para sa kaniyang height na 5'3".
"Starting the year reaching my goal of 50kg weight hence the happy face," sulat niya sa kaniyang Instagram account.
Noong nakaraang 2018, kapansin pansin ang unti-unting weight loss ni Katrina na na-achieve niya dahil sa magkatuwang na diet at exercise.