
Nalalapit na ang pagtatapos ng inspiring GMA Telebabad series na The Gift pero nananatili pa ring masigla ang cast nito.
Nagbahagi ang aktres na si Jean Garcia ng ilang behind-the-scenes photos mula sa emosyonal na eksena kasama sina Martin Del Rosario, Christian Vasquez, Rochelle Pangilinan, at Ysabel Ortega.
Makikita dito ang karakter ni Martin na si Jared na nasa loob ng isang kabaong at napapalibutan ng kanyang pamilya.
Kapansin-pansin dito na tila nakatulog si Martin kaya aliw na aliw na nag-group picture sina Jean, Christian, Rochelle at Ysabel sa harap niya.
Patuloy na panoorin ang huling dalawang linggo ng The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.
BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards, reunited sa kanyang "puppy love" sa set ng 'The Gift'
BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards at Sophie Albert, nilantakan ang props sa set ng 'The Gift'