
Game na nakipagkulitan ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes kay Gardo Versoza sa set ng upcoming game show ng GMA na Family Feud.
Isa si Gardo sa aabangang guest players sa nasabing show kung saan si Dingdong ang napiling host.
Sa recent TikTok video ni Gardo kasama si Dingdong, makikita ang groovy dance moves ng dalawa habang sinasayaw ang usong dance craze ngayon sa video sharing app.
"Thank you so much cupcake," caption ni Gardo sa kaniyang post.
Ang video na ito, mayroon nang halos 500,000 views sa TikTok at patuloy na pinupusuan ng mga netizen. Panoorin ang video sa ibaba.
@gardo_versoza thank you so much cupcake #dingdongdantes #familyfued #fyp @gmanetwork ♬ original sound - Gardo and Ivy Versoza
Abangan ang premiere ng Family Feud ngayong March 21 sa GMA at tutukan kung paano puwedeng manalo ng tumataginting na PhP500,000 linggo-linggo.
Panoorin ang unang trailer ng Family Feud kasama si Dingdong, DITO:
Samantala, magtungo lamang sa GMANetwork.com para sa ibang latest showbiz news and updates.