Article Inside Page
Showbiz News
Para kanino kaya ang kantang 'Just the Two of Us' ni Ruru Madrid?
Muling ipinamalas ni Kapuso actor at Lolong lead star Ruru Madrid ang kanyang musical skills.
Sa isang maikling video sa kanyang Instagram account, mapapanood si Ruru na kumakanta ng "Just the Two of Us" habang tumutugtog ng gitara.
"Just the two of us ," simpleng sulat ni Ruru sa caption ng kanyang post.
Nag-comment naman sa post ang kanyang rumored girlfriend at kapwa Kapuso star na si Bianca Umali na naglagay lang ng isang rose emoji.
May dalawang rose emojii din na nakalagay kasama ang title ng kanta sa mismong video ni Ruru.
Sa profile din ni Bianca sa Instagram, may nakalagay na isang rose emoji.
Para kay Bianca nga ba ang awit na ito?
Samantala, ilang celebrity friends naman ni Ruru ang nag-react sa kanyang video.
"Idol! ," sulat ng aktor na si Neil Ryan Sese na naging co-star ni Ruru sa
Encantadia.
"Yung Bathrobe ang Pamatay diyan," tukso naman ng kanyang
Lolong co-star na si DJ Durano.
Kasalukuyang nasa isang hacienda resort si Ruru para sa pagpapatuloy ng lock-in taping ng
upcoming action-adventure series ng Lolong.
Magtatagal ng 45 days ang kanilang
taping bubble.
Abangan si Ruru sa
Lolong, ang dambuhalang adventure-serye sa Philippine primetime, soon on GMA Telebabad.