
Isang nakakakilig na romantic comedy film ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Mapapanood kasi dito ang My Best Friend's Girlfriend starring Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Richard Gutierrez.
Gaganap dito si Richard bilang Evo, habang si Marian naman ay si Grace na girlfriend ng best friend niya.
Magkakaroon sila ng awkward encounter sa isang stag party kaya gagamitin ito ni Evo para i-blackmail si Grace na tulungan niyang pagselosin ang ex-girlfriend niya.
Hinirang sina Marian at Richard bilang Valentine Box-Office King & Queen sa GMMSF Box-Office Entertainment Awards noong 2009 dahil sa kanilang pagganap sa pelikula.
Abangan ang My Best Friend's Girlfriend, February 7, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.