
Habang patuloy na nagtatrabaho si Pam (Tipnaree Weerawatnodom) para kay Donovan (Luke Ishikawa Plowden) sa My Dear…Donovan, mas lalo nilang nakikilala ang isa't isa. Pero kahit nagkakalapit na ay hindi pa rin maiwasan ang mga problema sa pagitan nilang dalawa, lalo na at laging kasama si Arnold (Suphakorn Sriphothong) sa kanila.
Matapos subukang lasingin at painumin ng gamot ni Danica si Donovan, napilitan itong tumakas at tumakbo palayo sa dalaga at tumawag kay Pam para humingi ng tulong.
Pero bago pa makarating sina Pam at Arnold ay pinahabol na ni Danica si Donovan sa mga tao nito, na nauwi sa matinding bakbakan. Sa pagdating ni Pam, muntik na siyang mabato ng bote kung hindi pa iniharang ni Donovan ang sarili.
Sa tulong ni Arnold, binuhat nila ni Pam si Donovan papunta sa elevator ngunit sinubukan silang pigilan ni Danica. At dahil sa bilis ng pag-iisip ni Arnold, nilabas niya ang phone niya at sinimulang kunan si Danica para hindi ito makalapit.
Kahit malaki ang naitulong ni Arnold ay parang galit pa si Donovan na kasama ito sa pagligtas sa kanya. At dahil "pinapainit" siya ng gamot na pinainom ni Danica ay pinayo ni Arnold na sa likod na lang sila ng sasakyan uupo ni Donovan para hindi nito maistorbo si Pam.
Dahil sa ilang mga pangyayari ay nagkagalit sina Pam at si Donovan at hindi nag-usap. Dahil din dito ay umalis na si Pam sa pagtatrabaho bilang manager ni Donovan.
Matapos himatayin ang lolo ni Pam, dinala ito ng lola niya at ni Arnold sa ospital. Habang papunta doon ay tinawagan niya si Arnold at nagkita sila sa ospital.
Matapos ma-admit sa ospital ng lolo niya ay kinailangan bumalik ni Pam sa kanilang bahay para kumuha ng gamit.
Sa pagbalik nila ni Arnold sa ospital ay inabot nito kay Pam ang isang cheke na may malaking halaga na ayon sa binata ay inabot daw ni Donovan.
Samantala, dumating din ang mama ni Pam sa ospital at kinamusta ang mama at papa niya, gayun din ang anak niya.
Nalaman niya sa lola ni Pam na hindi nito sinumbong ang pagsampal na ginawa niya, dahilan para ma-guilty at magtanong kay Pete kung ano ang dapat gawin.
SAMANTALA, KILALANIN SI SUPHAKORN SRIPHOTHONG, SI ARNOLD NG 'MY DEAR...DONOVAN' DITO: