
Tinapos na ni Robert (Gabby Concepcion) ang pananatili ng taksil niyang asawa sa kanilang mansyon.
Sa September 9 episode ng My Father's Wife, nangyari na ang eviction night at pinalayas ng tatay ni Gina (Kylie Padilla) sina Betsy (Kazel Kinouchi) pati ang nanay niyang si Susan (Maureen Larrazabal).
Hindi na magawang mapatawad ni Robert ang kaniyang unfaithful wife, lalo na ang ginawa nitong paglalandi kay Gerald (Jak Roberto).
Ang mga episode clip ng My Father's Wife, hindi lang nakakuha ng mataas na engagement sa iba't ibang social media pages, kung hindi nakapagtala rin ng million views lalo na sa Facebook.
Source: GMA Network (FB) & GMA Drama (FB)
Balikan ang nangyaring pagpapalayas kay Betsy sa video below!
Kaya bawal bumitaw tuwing hapon at manood ng My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, Monday to Saturday at 2:30 p.m., after It's Showtime.
RELATED CONTENT: Things you've missed during the My Father's Wife taping