
High blood moment ang napanood ng viewers sa My Father's Wife kahapon, July 28 lalo na at nalaman ni Elizabeth “Betsy” Rodriguez (Kazel Kinouchi) ang password sa bank app ng tatay ni Gina (Kylie Padilla).
At para makaganti sa kaniyang ex-BFF, sisiguraduhin niya na gagatasan nito si Robert (Gabby Concepcion) at simula pa lang ang pag-increase niya ng credit limit sa credit card extension na ibinigay sa kaniya ng asawa.
Ang naturang eksena sa My Father's Wife, may one million views na sa Facebook at ramdam ang inis ng fans sa karakter ni Kazel Kinouchi.
Komento ng isang netizen, “Betsy kuha mo inis ko.”
Humirit naman ang isa at sinabing, “Haha na kay gina parin ang huling halakhak hahaha humanda ka betsy haha”
Balikan ang kagigil moment na ito ni Betsy 'Gastadora' sa video below.
Maging UNA sa panonood ng intense moments sa My Father's Wife, tumutok tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 pm, pagkatapos ng It's Showtime!
RELATED CONTENT: Who is Kazel Kinouchi?