GMA Logo My Father's Wife
Source: GMA Network
What's on TV

My Father's Wife: Betsy, maa-unlock ang pagiging 'kaskas queen'

By Aedrianne Acar
Published July 27, 2025 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA suspends number coding on May 1, 2026 for Labor Day
Non-structural fires in Davao City more than doubled in Q1 of 2026
Sean Lucas enjoys Paris adventure

Article Inside Page


Showbiz News

My Father's Wife


“Simple lang ang motto ko sa buhay: Pera ng asawa ko, pera ko rin.” - Betsy (Kazel Kinouchi)

Ngayong siya na ang bagong Mrs. Rodriguez, sisimulan na ni Betsy ang pinaplano niyang paghihiganti at uunahan niya munang gatasan ang pamilya ni Gina (Kylie Padilla) sa pakikialam sa pera ni Robert (Gabby Concepcion)!

Noong July 26, nag-upload sa Facebook ng GMA Network ng pasilip sa mga gagawin ni Betsy at sisiguraduhin nitong gagawin niyang human ATM ang mister.

Umabot na sa mahigit 1.1 million views online ang teaser na ito.

Samantala, marami rin ang na-touch sa wedding message ni Gina para sa ama na nakakuha rin ng mahigit sa 1.3 million views.

Kahit ang fans, ramdam ang binuhos na emosyon ni Kylie sa eksena.

Puri pa ng netizen ang Kapuso actress nang sinabi nito: “Paghawak palang ng mic ni Gina, parang naiiyak na ako. Galing umarte ni Kylie.”

Source: GMA Drama & GMA Network (FB)

RELATED CONTENT: Taping with the star-studded cast of My Father's Wife

Kaya para lagi kayong UNA sa intense moments sa My Father's Wife, nood na tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 2:30 pm, pagkatapos ng It's Showtime!

RELATED CONTENT: Who is Kazel Kinouchi?