
Nagsimula nang mapanood ang bagong kinagigiliwang Lakorn sa hapon, ang My Forever Sunshine.
Sa nakaraang linggo ng My Forever Sunshine, nakilala sina Keith (Mark Prin) at Penny (Kao Supassara Thanacahart).
Magkaibigan ang pamilya nina Keith at Penny kaya naging magkababata ang dalawa.
Kung si Keith ay gentleman at reserved, si Penny naman ay may pagkapilya at laging napapa-trouble.
Hanggang sa kanilang paglaki, hindi pinabayaan ni Keith si Penny bilang kapatid na ang turing niya rito.
Nais din ni Keith na ituring siyang best friend ni Penny kaya ganoon na lang ang pag-aalala niya sa babae.
Mapapanood ang My Forever Sunshine mula Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon sa GMA.
NARITO ANG LISTAHAN NG CAST NG MY FOREVER SUNSHINE: