
Intense ang mga emosyon sa kinagigiliwang Lakorn sa hapon na My Forever Sunshine.
Sa nakaraang linggo ng Thai series, mukhang nagkaroon ng change of heart si Keith matapos
mag-iba ang kanyang nararamdaman para kay Penny.
Sa labas, pinanindigan ni Keith ang pagkakaroon ng pusong bato kahit pa ang kabarkada niyang si Tyson ay tila nagkakagusto kay Penny.
Pero hindi nagtagal, hindi mapakali si Keith sa ideya na may namamagitan kina Tyson at Penny kaya binantaan niya si Tyson na layuan si Penny.
Ipinaliwanag ni Penny na wala na siyang nararamdaman para kay Keith. Ang binata kaya, ganito rin?
Kahit pa ipakita ni Keith ang galit niya kay Penny, hindi napigilan ng kanyang emosyon na halikan si Penny nang siya ay lasing.
Samantala, patuloy ang pagpapanggap ni Keith at sinabing wala siyang feelings para kay Penny. Mapanindigan kaya niya ito?
Mapapanood ang My Forever Sunshine mula Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon sa GMA.
NARITO ANG LISTAHAN NG CAST NG MY FOREVER SUNSHINE: